PANOORIN: Kuting na muntik masagasaan sa EDSA, sinagip ng mag-asawang rider

494
Screenshot via Genesis Dumlao Facebook video

Naging superhero ang mag-asawang riders na sina Genesis at Cris Dumlao matapos nilang sagapin ang buhay ng isang kuting na muntik masagasaan sa gitna ng EDSA-Connecticut.

Ang makapigil-hiningang eksena, kuhang-kuha sa dashcam.


Kuwento ng dalawa, papasok na sila sa trabaho at habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA, nakita nila ang kaawa-awang kuting na muntik magulungan ng isang kotse.

Kaagad nilang sinenyasan ang drayber na nauwi sa paghinto ng sasakyan.

Pinulot nina Genesis at Cris si muning at panandaliang iniwan sa isang malapit na gasolinahan.

Pagkalipas ng tatlong araw, kinuha ng mag-asawa ang munting hayop para kupkupin na pinangalanang Edsa.

Pinasalamatan din ng dalawa ang mga gasoline boy na nagsilbing magulang ni Edsa sa loob ng ilang araw.

Samanatala, umani ng papuri mula sa publiko ang malasakit na ipinakita ng mag-asawang motorista sa pusang nasa peligro.

Facebook Comments

From Advertisers