Babae, patay matapos ang 5-oras na pakikipagtalik

Isang 32-anyos na babae ang nasawi matapos atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa isang hotel sa Cali, Columbia.

Ayon sa hindi kinilalang partner ng biktima, limang oras na raw silang nagtatalik ng mangyari ang insidente.

Batay rito, bigla na lamang raw sumama ang pakiramdam ng babae hanggang sa makaramdam ito ng hilo, ngunit pinagpatuloy pa rin nila ang ginagawa.


Maya-maya ay bigla na lamang nanginig at nahimatay ang biktima kung kaya’t dali-daling tumawag sa ’emergency services’ ang lalaki ngunit dahil sa tagal ng rescue ay nagpasya na itong dalhin sa pinakamalapit na ospital ang partner.

Agad raw niya itong binalutan ng kumot saka isinakay sa taxi patungong University Hospital of Valle.

Nang makarating umano ang dalawa sa naturang ospital ay idineklarang ‘dead on arrival’ ang biktima.

Sinasabing atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa imbestigasyon, pareho raw tumira ng droga ang dalawa bago mag ‘sex’.

Facebook Comments