PANOORIN: Lalaking nagsuot ng kaldero sa ulo, may gimik na naman

493
via Chi Balisi Gurung

Sakay naman ng kabayo ang trip ng lalaking viral noon sa paggamit ng kaldero bilang helmet.

Sa video na ibinahagi ni Chi Balisi Gurung, mapapanood si Rodolfo Chavez Jr., isang security guard, habang sakay ng kabayo sa kalsada ngunit naka-helmet na ito.


Nitong Hulyo, matatandaan na nag-viral si Rodolfo nang sitahin ng traffic enforcer sa suot nitong kaldero sa ulo dahil sa “No Helmet, No Travel” policy ng Tuguegarao, Cagayan–

Aminado si Rodolfo na lasing siya noon at walang pambili ng helmet kaya kaldero na lamang ang kaniyang sinuot.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 2,500 reactions, 4,000 shares at 300,000 views.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments

From Advertisers