Pulis-Mandaluyong, tumulong sa Nigerian student na nawalan ng pamasahe

2652
Courtesy Facebook/Tahimik at Mapayapa

Naantig ang puso ng netizens sa kuwento ng ilang pulis-Mandalyong na tumulong sa isang estudyanteng Nigerian noong nakaraang Miyerkules.

Sa post ni Facebook user “Tahimik at Mapayapa” nitong Miyerkules, sinabi nitong lumapit si Derek Mba, 22, sa kanilang commander na si PCapt. Antonio Galauran Jr. para humingi ng saklolo dahil naubusan siya ng pamasahe habang papunta sa United Church of Christ sa Quezon City.


Dahil sa sinapit ng dayuhan, nag-desisyon ang mga pulis sa naturang lugar na mag-ambagan at ibigay ang perang malilikom kay Mba.

Ayon pa sa netizen, pinakain ng butihing commander sa isang malapit na karinderya ang banyaga upang hindi na mabawasan ang salapi nito.

Inulan naman ng papuri ang comment section ng nasabing Facebook account sa kabaitang ipinakita ng awtoridad.

Screenshot via Facebook/Tahimik at Mapayapa

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 100,000 shares and likes ang istoryang ibinahagi tungkol sa mga pulis.

Facebook Comments

From Advertisers