PANOORIN: Manny Pacquiao tinupad ang hiling ng batang cancer survivor

Screenshot via Facebook/PBC on Fox

Hindi maikakailang maraming umiidolo kay Senador Manny Pacquiao, sa loob o labas man ng bansa. Isa sa mga ito ang cancer survivor na si Jonah Villamil.

Bumiyahe ang pamilya ni ‘Little Pacquiao’, nickname ni Jonah, patungong Los Angeles upang masilayan ng pinakamamahal na anak si Pambansang Kamao. Halos tatlong taon nakipaglaban ang bata sa sakit na leukemia.

Kuwento ni Mark Villamil, apat na taong gulang pa lamang ang anak nung ma-diagnose na may malubhang karamdaman.


Noong panahon iyon, nagpadala ng video si Pacman kay Jonah sa pamamagitan ng Facebook kung saan pinagdasal nito ang bata sa agarang paggaling.

Matapos ang ilang taon, tuluyan nang nawala ang cancer sa katawan ng bata.

“He was struggling before, and he asked me to pray. Thank God, because Jesus healed his sickness. He has leukemia (but) he’s cancer-free now,” ani Pacman.

Nakipag-selfie din si Pacquiao sa pamilya Villamil at pinirmahan nito ang mga boxing gloves na kanyang ibibigay.

Tunghayan ang nakatutuwang pangyayari na ipinost ng PBC on Fox sa kanilang Facebook page:

Facebook Comments