PANOORIN: Matalinong aso, nagpapanggap na pilay para mabigyan ng pagkain

6332
Screenshot from Viral Press' video

Pilyong trick ang na-master ng aso na ito para kaawaan at bigyan ng pagkain ng mga dumadaan.

Sa video ng Viral Press na kuha sa Bangkok, Thailand, makikita ang isang aso na kinakaladkad ang kaliwang binti sa kalsada.


Maya-maya pa ay umayos ng tindig ang aso at nagkawag-kawag ng buntot na parang walang nangyari.

Ito raw ang regular na gawain ng asong pinangalanang “Gae” ng mga lokal.

May bahagi pa sa video na tumigil ang isang motoristang nag-alala sa lagay ng aso, pero natawa na lang nang lumundag ito at tinigil ang pagpapanggap.

“This old dog has lived my workplace for a few years. He always does this trick to deceive people,” sabi ng residenteng si Thaweeporn Chongplapolkul.

Dagdag niya pa, pinapakain niya naman daw palagi si Gae pero sadyang pilyo ito at gustong-gusto ang ginagawang arte.

“He’s very smart. I think he does it to get people to feed him,” aniya.

Facebook Comments