PANOORIN: Motorsiklong ninakaw, iniwan ng mga suspek matapos hindi mapaandar

563
Screenshot captured from Philippine CCTV & Dashcam Spotted on Facebook

Nakunan ng CCTV camera ang pagnanakaw ng isang lalaki ng motorsiklo sa Tondo, Maynila.

Sa video, nilapitan ng riding-in-tandem ang rider at pilit inagaw ang motorsiklong gamit nito.


Matapos ibigay ng biktima, dali-daling sinubukan ng mga suspek na paandarin ito.

Pero makalipas ang ilang sandali, inabandona ng kawatan ang tatangayin sanang motorsiklo at kumaripas ng takbo.

Dito na dumating ang awtoridad at mga concerned citizen para tulungan ang biktimang nagtago sa isang sulok ng bangketa.

Ayon sa may-ari, maaring iniwan ito ng mga kawatan matapos hindi mapaandar.

Batay sa blotter report, isang Angkas rider ang kinursunadahan ng mga magnanakaw habang bumabaybay sa R.Papa Street pasado ala-1:20 ng madaling araw noong Linggo.




Patuloy na tinutugis ng kinauukulan ang mga suspek.

Ibinahagi naman ng Facebook group na Philippine CCTV & Dashcam spotted ang nasabing CCTV footage na umani ng mahigit 90,000 views sa social media.

Facebook Comments