PUIs, umaabot na sa 609

52

Umabot na sa 609 ang bilang ng mga naitalang Patient Under Investigation (PUI) ng Department of Health (DOH) dahil sa Coronavirus Disease 2019.

474 naman sa mga ito ang nakalabas na ng ospital. Habang umakyat naman sa 132 ang naka-admit sa mga pagamutan.


Hindi naman na nadagdagan at nananatiling nasa 3 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang dalawa rito gumaling na at ang isa naman ay namatay dahil sa Severe Pneumonia.

Facebook Comments