PANOORIN: OFW nag-mascot, sinurpresa ang asawa at anak

Screenshot via Fernacia Vlogs on Youtube

Viral ngayon ang vlog ni Fernacia kung saan sinurpresa siya ng kaniyang asawang OFW na nagbihis ng mascot sa isang restaurant sa Davao City, Mindanao.

Ang dapat na simpleng homecoming para kay Raymond, ay ginawa niyang espesyal sa pamamagitan ng pagsusuot ng mascot na ikinatuwa lalo ng mag-ina.

Pinayagan na hiramin at suotin ni Raymond ang famous mascot ng restaurant. Ang pakulo ay anibersaryo ng restaurant at may mapipiling table upang bigyan ng surpresa.


Pumasok ang mascot at natuwa naman si Fernacia na nagsend pa ng pictures sa kaniyang asawa sa messenger nito.

Hinarana ng mascot ang kaniyang asawa at anak na lingid sa kanilang alam na si Raymond pala ito.

Tuwang-tuwa naman si Fernacia sa harana at nang matapos ay nag-abot ito ng isang malaking box na may “Happy Birthday”, balloons at bulaklak sa loob.

Hindi naman inaasahan ni Fernacia na si Raymond pala mismo ang nasa loob ng mascot. Napaiyak si Fernacia sa tuwa na kinaantig ng puso ng lahat.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments