PANOORIN: Pagsagip sa isang hiker na nahulog sa bangin, nakuhanan

(Screenshot of the video from YouTube)

ALTADENA, California – Sapul sa video ang pagsagip sa isang babaeng nahulog sa bangin habang nagha-hike kasama ang kanyang asawa.

Nakuhanan ng isa sa mga rescuer sakay ng helicopter ang buwis-buhay na eksena ng babae habang nakakapit sa mga nakakalat na ugat ng puno sa gilid ng bundok.

Nang dumating ang mga rumisponde, matutunghayan ang pagbitaw ng babae sa ugat hanggang sa mapadulas na sa bangin na agad namang nasalo ng isang rescuer.


Sa ulat ng New York Post, nangyari ang insidente sa Rubio Canyon kung saan magkasama noon ang naturang mag-asawa sa pag-akyat nang aksidenteng mahulog ang babae.

Sakay ng helicopter ay unti-unting nasalo ang babae hanggang sa mailapag sa patag na lupa ng bundok.

Samantala, hindi pa rin malinaw kung gaano na katagal na nakakapit ang babae sa ugat bago dumating ang helicopter.

Nagtamo naman ng minor injuries ang hindi na kinilalang hiker at matapos ang nakakikilabot na pangyayari ay nagpasalamat ang mag-asawa sa mga rescuers.

Facebook Comments