PANOORIN: Pasahero ng eroplano, paa ang ginamit sa in-flight monitor

171

Isang magandang paalala na linisin ang mga bagay na hahawakan sa eroplano, lalo na ang touch screen.

Viral sa Twitter ang isang pasahero na digital footprints ang iniwan sa in-flight monitor sa kaniyang upuan.


Kita sa footage na ibinahagi ng crime novelist at New York Times best-selling author Alafair Burke, ang pasaherong namimili pa ng panonooring pelikula gamit ang kaniyang hubad na paa.

Kuha raw ito sa flight ng kaibigan ni Burke na walang Twitter kaya ibinigay na lang sa kaniya ang video.

Malapit nang mag 9 million views ang video na may 30k retweets at 147k likes na.

Pagkadismaya at pandidiri ang karaniwang reaksyon ng netizens dito ngunit may iba pa ring kanya-kanya ng bato ng kani-kanilang jokes.

May isang netizen naman na nag-reply ng video ng model na si Naomi Campbell na nilinis muna ang paligid ng kaniyang upuan sa eroplano.

Facebook Comments

From Advertisers