PANOORIN: Pating, nilunok nang buo ng higanteng isda

COURTESY: NOAA Ocean Exploration and Research

Isang pambihirang eksena ang nakuhanan ng ocean explorers sa kailaliman ng dagat sa South Carolina, nakaraang buwan.

Unang namataan ng NOAA Ocean Exploration and Research team ang grupo ng mga pating na pinagpipiyestahan ang katawan ng patay na swordfish, 1,476 ang lalim mula sa ibabaw ng tubig.

Habang inuubos ang laman ng 8-talampakan na swordfish, isang higanteng isda o wreckfish ang sumulpot mula sa likod ng aparato ng researchers.


Nagtapos ang video na kita na lang ang buntot ng pating na nagpupumiglas sa bibig ng wreckfish na nagtago sa likod ng camera.

Ang wreckfish ay maaaring lumaki hanggang 6-talampakan at tumimbang ng hanggang 220 pounds, ayon sa NOAA.

Habang ang namataan namang grupo ng mga pating ay binubuo ng dalawang uri ng deep-sea dogfish: ang mas maliit ay Genie’s dogfish, habang roughskin dogfish naman ang mas malaki.

“This rare and startling event leaves us with more questions than answers, but such is the nature of scientific exploration,” ani researcher.

Facebook Comments