PANOORIN: ‘Pinoy Henyo’ wedding proposal ng isang seaman sa kasintahan, kinagiliwan

(Photo: Sreenshot of the video/ Christian Leo Enriquez Facebook)

Pagdating sa pagpo-propose ng kasal, kilala ang mga Pilipino na isa sa pinakamaraming pakulo para lamang hingin ang matamis na ‘oo’ ng kanilang kasintahan.

Kadalasan, hindi sapat na simpleng tanong lang ng “Will you marry me”, sanay ang mga kalalakihang Pinoy sa kakaibang paraan na talaga namang tatatak sa kanilang mga iniibig.

Tulad na lang ng isang 25-anyos na seaman na si Hugh Nathaniel Mendoza, na nag-propose sa kanyang long-time girlfriend na si Kisha Tiffany Lagahid, 25.


Walang romantic songs o place na may umuulan pang mga bulaklak, kundi sa dagat habang kasama ang kanilang mga kaibigan. At hindi ang paglalakad sa mala-red carpet na daanan, kundi sa pamamagitan ng paglalaro ng Pinoy Henyo.

“While I was still on board (working abroad), I was already thinking of ways on how to propose to her (Lagahid). I thought of doing a music video inspired by the song Rude, but then I realized that we can’t do some scenes because of restrictions with the locations,” aniya.

Setyembre pa raw nang siya ay makauwi sa bansa at nagsimula na raw siyang mag-isip ng magiging paraan niya ng pagpo-propose.

“Finally, I came up with a plan B with the help of my friends. So, the day came, October 20, we went island hopping and then I asked her to play (Pinoy Henyo) with me and then to her surprise, it was me asking for her hand in marriage,” saad niya

Sa video na ibinahagi ni Christian Leo Enriquez, kaibigan ni Mendoza, Okt. 20 nang hingin niya ang ‘oo’ ng nobya.

Mapapanood na magkalaban sa larong Pinoy Henyo ang magkasintahan kung saan si Lagahid ang huhula ng nakasulat sa papel.

Matutunghayan na nilagyan ng blindfold ng mga kaibigan ni Mendoza ang nobya nito saka ito nagsimulang humula.

Nang matapos na ang oras, makikita na pagdilat ng mata ni Lagahid, ay ang papel na may nakasulat na “Will you marry me” ang bumungad sa kanya.

Dali-dali namang lumipat sa likod ng nobya si Mendoza habang nakaluhod hawak-hawak ang kahon na may lamang singsing.

Dito na napatakip ng maukha si Lagahid na halatang emosyonal at di makapaniwala sa mga pagyayari.

Maya-maya pa, isang matamis na ‘oo’ ang natanggap ni Mendoza sa kanyang nobya.

(Photo: Sreenshot of the video/ Christian Leo Enriquez Facebook)

Kwento ni Mendoza, “I know it was the right time because I asked for the Lord’s guidance and He gave me an answer.”

Napagkasunduan naman ng dalawa ang pagpapakasal sa susunod na taon.

Umani ng samu’t saring reaksyon sa facebook ang ‘Pinoy Henyo’ wedding proposal na umabot din sa 42,000 likes at 37,000 shares sa kasalukuyan.

Facebook Comments