Napatunayan ng mga mananaliksik sa Scotland ang kakayahan ng gray seal na gayahin ang tunog ng mga salita ng tao at kanta.
Sa pag-aaral ng University of St. Andrews, ipinakita ng researchers sa video ang tatlong gray seal na sinanay nilang kumopya sa iba’t-ibang tunog gaya “Twinkle, Twinkle, Little Star” at theme song ng Star Wars.
Ayon pa sa pag-aaral na inilathala sa Current Biology, maaari rin itong maging bagong paraan para pag-aralan ang speech disorder.
Ani Professor Janik, isa sa mga researcher, at director ng Scottish Oceans Institute (SOI) sa Unibersidad, “This study gives us a better understanding of the evolution of vocal learning, a skill that is crucial for human language development.”
Facebook Comments