PANOORIN: Tita todo-hataw sa sayaw para mapatahan ang pamangkin

698
Screenshot via Facebook/Xydi Fadallan

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang isang “certified tita” mula sa San Pablo, Laguna dahil sa kaniyang pamamaraan upang mapatahan ang umiiyak na pamangkin.

Sa bidyong ibinahagi ni Tita Xydi Faballan sa Facebook noong Linggo, makikitang pinapakalma niya ang bata sa pamamagitan ng pang-hataw ng todo sa pagsasayaw.


Mapapansin naman naging kalmado si baby at tila nag-eenjoy habang pinapanood ang performance number ng tiyahan.

Kuwento ng uploader, hindi niya madaan si baby sa hele at karga, kaya naman nag-isip siya ng kakaiba at nakatutuwang paraan.

Kaagad naging viral sa social media ang bonding ng mag-tita at sa ngayon umabot na ito sa mahigit three million views.

 

Facebook Comments