PANSAMANTALA | Sen. Trillanes, mananatili sa pangangalaga ni Senate President Tito Sotto III

Manila, Philippines – Pansamantalang mananatili sa pangangalaga ni Senate President Tito Sotto III si Senador Antonio Trillanes IV habang inaayos ng legal team nito ang kanilang gagawin matapos bawiin ng Malacañan ang amnesty na ibinigay kay Trillanes noong 2011.

Ayon kay Trillanes tiniyak ni Sotto sa kaniya na hindi siya puwedeng arestuhin ninuman habang siya ay nasa loob ng Senado.

Giit ni Trillanes hindi puwedeng bawiin ang amnestiyang ibinigay sa kaniya ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2011.


Maaalanang nabigyan ng amnesty si Trillanes dahil sa pagkakasangkot nito sa Oakwood Mutiny noong 2003 at sa Manila Peninsula Siege noong 2007.

Wala rin daw bisa ang anumang arrest warrant na ilalabas laban sa kaniya.

Gayunpaman, naghahanda na ang mga abogado ng Senador para labanan sa korte ang umano ay “political persecution” na ginagawa sa kaniya ng Duterte Administration.

Facebook Comments