PANSAMANTALANG KALAYAAN │Paglaya ni John Paul Solano, pansamantala lamang

Manila, Philippines – Nilinaw nang pamunuan ng Manila Police District na ang paglaya ni John Paul Solano, sinasabing primary suspect sa pagpatay kay Horacio Sastillo III, ay pansamantala lang.

Ayon kay MPD Spokesman Erwin Margarejo ang paglabas kahapon ni Solano ay hindi nangangahulugan na lusot na ito sa kanyang mga kinakaharap na kaso.

Paliwanag ni Margarejo hindi katumbas ng Acquittal ang mga inilabas na Resolution ng Department of Justice dahil kinakailangan pa nitong humarap sa Preliminary Investigation sa October 4 at 9.


Alas 12:20 ng tanghali kahapon kung saan abot tainga ang ngiti ni Solano matapos na itoy makalaya pansamantala mula sa kanyang piitan sa Homicide Division ng MPD.

Ayon naman kay Solano- bagamat hindi pa niya alam ang pakiramdam nang isang “laya na” ay tiniyak naman nito sa publiko na handa niyang isiwalat ang lahat ng mga nalalaman tungkol sa nangyaring initiation rites.

Kasabay nito ay muli siyang nakiramay sa mga magulang at mahal sa buhay ni Atio.

Facebook Comments