Manila, Philippines – Muling humiling sa Korte Suprema si Dating Senador
Ramon “Bong” Revilla para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ito ay habang dinidinig ang kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan.
Naghain si Revilla sa Supreme Court ng urgent motion para sa hirit niyang
provisional liberty hanggang sa madesisyunan ang kanyang main petition sa
Korte Suprema.
Ang kasong plunder laban kay Revilla ay may kinalaman sa pagkakasangkot
niya sa Pork Barrel Scam.
Sa kanyang mosyon, muli ring hiniling ni Revilla na pigilan ng
Kataas-Taasang Hukuman ang pag-usad ng paglilitis sa kanya sa Sandiganbayan
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalabas ng writ of preliminary injunction o
restraining order.
Facebook Comments