AAYUSIN | DOTr, kumpyansang madaragdagan ang mga bumabyaheng bagon ng MRT pagktapos ng Holy Week Break

Manila, Philippines – Tiwala ang Department of Transportation na
madaragdagan pa sa mga susunod na linggo ang dami ng bmbyaheng bagon ng MRT

Ayon sa ahensya labinlimang bagon ang target nilang mapatakbo pagkatapos ng
Semana Santa.

Sa ngayon kasi naglalaro sa sampu hanggang labindalawa ang nasasakyang tren
ng MRT.


Sinabi ng DOTr na sasamantalahin nila ang Holy Week break upang maisaayos
ang mga depektibong tren.

Sa naunang abiso ng MRT, wala silang operasyon simula Marso a-28 hanggang
Abril a-uno at muling babalik ang normal na operasyon sa April 2.

Facebook Comments