Hinikayat ni Senator Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) na payagan ang pansamantalang pagsasanay ng mga dayuhang doktor sa bansa.
Naniniwala si Tolentino na mabebenepisyuhan ng panandaliang practice ng mga dayuhang doktor sa bansa ang local medical industry.
Ilan lamang sa mga benepisyo na maaaring makuha ay hindi lamang sa palitan ng mga ideya kundi maging sa aspeto ng paglilipat ng teknolohiya.
Aniya, maraming mga doktor mula sa ibayong dagat ang nagpahayag ng pagnanais na magsagawa ng medical practice sa Pilipinas subalit nagiging hadlang ang protective policy na ipinatutupad sa bansa.
Binanggit pa ni Tolentino na noong matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong November 2013, may grupo ng French at Spanish physicians mula sa Doctors Without Borders ang nasa ground zero sa Tacloban City subalit hindi makagamot ng critical patients dahil wala silang lisensya para mag-practice dito sa bansa kaya’t hanggang first aid procedures lamang sila.