Major revamp sa PNP, inaasahan sa pagreretiro ng 2 mataas na opisyal

Magkakaroon muli ng panibagong balasahan sa Philippine National Police (PNP) upang punuan ang mga pwesto na binakante ng dalawang matataas na opisyal na nagretiro na sa serbisyo.

Nabatid na nagretiro na si PNP Directorate for Logistics Director Police MGen. Ronaldo Olay, nitong Hunyo 13; at Directorate for Investigation and Detective Management chief Maj. Gen. Eliseo Cruz nitong Hunyo 14.

Si MGen. Olay ay nakilala bilang dating Chief ng Public Information Office at tagapagsalita ng PNP mula Abril hanggang Setyembre 2021.


Habang si MGen. Cruz ang namuno sa Special investigation task group 990, na nag-imbestiga sa kontrobersyal na pagkakakarekober ng mahigit P6-B halaga ng shabu noong nakaraang taon sa lending shop nang sinibak sa serbisyo na si Police Master Sgt. Rodolfo Mayo.

Facebook Comments