‘Pansit Eating Contest’ sa Tuguegarao City, Pinalitan Na!

Inalis na ang ‘Pansit Eating Contest’ na isa sa mga highlight ng Patronal City Fiesta sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ito’y matapos ituring ng pamahalaang panglungsod ng Tuguegarao na delikado ang patimpalak na ito kaya napagdesisyunan ng Steering Committee na gawin na lamang itong ‘Pansit Cooking Contest’.

Ayon kay Ginoong Andres Baccay, BPLO Acting Head at itinalagang mamuno sa Pansit Cooking Contest para sa nalalapit na AFI Festival ng Lungsod ay may roong labingdalawang (12) kalahok sa nasabing patimpalak na gaganapin sa umaga ng ika-13 ngayong Agosto sa City Hall ground sa Carig.


Sa isangdaan aniya na naimbitahan para lumahok, kinse lamang ang tumugon at umatras pa ang tatlo kaya’t dose na lamang ang naiwan na magtatagisan sa larangan ng pagluluto ng pansit.

Kaugnay nito, nasa P20,000.00 ang ibibigay sa unang mananalo, P14,000.00 naman sa pangalawang winner at P8,000.00 naman sa pangatlong mananalo habang makakatanggap naman ng tig-dalawang libong piso bilang consolation prize ang lahat ng mga hindi mananalong kalahok.

Dagdag pa ni Ginoong Baccay, bukod sa Pansit Cooking Contest ay mayroon din aniyang Longganisa and Cooking Contest.

Ayon sa isang konsehal na si Boyet Ortiz, nakita aniya nito na maganda itong isama sa mga patimpalak dahil sa dami ng mga gumagawa nito.

Facebook Comments