PANSOL OUTING | Kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos, nagulat sa deklarasyon ng PET

434

Manila, Philippines – Nagulat ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa inihayag ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na may sinimulan at natapos nang imbestigasyon sa swimming party sa Pansol, Laguna.

Kasunod ito ng naging pagbasura ng PET sa motion to investigate ni Marcos sa Pansol outing.

Sabi ni Atty. Vic Rodriguez, bilang protestant dapat ay inabisuhan man lamang sana ni Justice Benjamin Caguioa si Marcos na may nasimulan ng pagsisiyasat.

Aniya, bulag sila sa kung sino ang namuno sa imbestigasyon, kung ano ang napalitaw na paglabag at kung ano ang iminungkahing kaparusahan.

Giit pa ni Rodriguez na ang paghaharap nila ng manifestation ay patunay na naitago sa kanila ang naging aksyon ng tribunal.

Facebook Comments