Pantay na panuntunan sa pagdedeklara ng SALN mula sa high ranking hanggang sa low-rank officials, iginiit

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na na-a-apply din ang batas at panuntunan sa pagdedeklara ng Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa mga high-ranking government officials gaya ng mga nasa small-time public officials.

Ito ang pahayag ni Robredo sa gitna ng mga pagkwestyon sa yaman ng pamilya Duterte base sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Sa isang ambush interview, maraming low-ranking public officials ang nawawala sa kanilang posisyon dahil hindi kumpleto at tapat na paglalahad ng kanilang yaman.


Dapat aniya maging pantay ang pagtingin ng batas, mataas man o mababa ang posisyon sa gobyerno.

Una nang iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na legal ang kanilang yaman.

Facebook Comments