Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 10696 o ang Extended Producer Responsibility Act.
Sa botong 194 pabor at 6 na tutol ay nakalusot sa plenaryo ng Kamara ang panukalang layong gawing accountable ang mga kompanya sa kanilang plastic products at packaging.
Nakasaad sa panukala na ang mga producers o manufacturers ang may responsibilidad na sa kanilang mga produkto kung saan ang mga kumpanya na ang magpapabalik sa mga consumers sa biniling plastik na produkto at sila na ang magre-recycle at magdi-dispose nito.
Ang nasabing paraan ay magiging bahagi ng Extended Producer Responsibility (EPR) ng isang kumpanya upang mitaguyod ang zero waste lifestyle.
Mahaharap sa P20 million na multa at kanselasyon ng permit ang mga negosyo o kumpanyang lalabag sa oras na ito ay maisabatas.
Bibigyan naman ng insentibo ang mga kumpanyang makasusunod sa extended producer scheme.