Pinaka-corrupt na kandidato sa pagkapangulo, dapat lang ilantad ng pangulo

Pabor si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa gagawing paghahayag ng pangulong rodrigo duterte sa sinasabi nitong most corrupt presidential candidate sa 2022 elections.

Ayon kay Dela Rosa, may moral obligation ang pangulo na ipabatid sa publiko ang nalalaman nya ukol sa isang kandidato.

Diin ni Dela Rosa, nasa publiko na ang pagpapasya kung gagamitin nila itong basehan kung sino ang dapat nilang iboto sa halalan sa Mayo.


Facebook Comments