Panukala na inihain para gawing krimen ang red-tagging sa bansa, umabot na sa tatlo

Tatlong panukala na ang naihain sa Kamara na naglalayong gawing krimen ang red-tagging sa bansa.

Pinakabago rito ang House Bill 9437 o “Anti-Red-Tagging Act of 2021” na ini-akda ng anim na kongresista ng Makabayan Bloc at Albay Rep. Edcel Lagman, Quezon City Rep. Kit Belmonte at La Union Rep. Pablo Ortega.

Partikular na tinukoy ng mga kongresista ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nangunguna ngayon sa red-tagging.


Napapanahon na anila na ideklarang krimen ang red-tagging dahil sa dalawang rason: una, dahil nagagawa umano ito gamit ang “public funds,” at ikalawa, malaki ang nagiging epekto ng red-tagging sa mga biktima na nahaharap sa harassment, ilegal na pag-aresto at minsa’y napapatay pa.

Nauna nang naghain ng kaparehong panukala si House Deputy Speaker Michael Romero o ang House Bill 9309; habang House Bill 9170 ang iniakda naman ni Paranaque Rep. Joy Tambunting.

Facebook Comments