Pulis na sangkot sa panloloob sa isang courier service sa Bulacan, tiniyak ng PNP na masisibak sa serbisyo

33

Pinabibilis ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa District Director ng Quezon City Police District (QCPD) ang legal process para agad masibak sa serbisyo ang pulis na si Police Corporal Moises Yango.

Si Yango ay 29-anyos na nakatalaga sa QCPD at residente ng Barangay Sikatuna Village, Quezon City.


SIya ay sangkot sa pagnanakaw sa isang branch ng LBC courier service sa San Miguel, Bulacan nitong weekend.

Ayon kay PNP Chief, personal niyang tinututukan ang kaso ni Yango para masigurong matatanggal ito sa serbisyo dahil sa kanyang ginawang katiwalian.

Batay sa report ng Bulacan Provincial Police, nitong nakalipas na araw ng Linggo, pinasok ng mga armadong kalalakakihan na nakasuot ng bonnet ang LBC branch, kinuaha ang pera at agad tumakas.

Pero agad silang naharang ng mga rumespondeng pulism dahilan para maaresto at kalaunay natukoy na ang isa sa kanila ay si Police Corporal Yango.



Sa ngayon nakakulong si Yango sa San Miguel Municipal Police Station.


Facebook Comments