Panukala na itaas sa 16-anyos ang statutory rape age, inaprubahan na sa Senate committee level

Inaprubahan na ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ang panukalang itaas sa 16-anyos ang kasalukuyang 12-anyos na edad ng sexual consent para sa kasong statutory rape.

Kapag ito ay naisabatas ay makakasuhan ng statutory rape ang sinumang makikipagtalik sa 16-anyos pababa kahit ito ay kusang loob o kahit sila ay may relasyon.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, tugon ito sa pagsasamantala at pag-abuso sa mga kabataan at sa tumataas na bilang ng teenage pregnancy.


Tinukoy naman ni Senator Gordon na lumalabas sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) Philippines na isa sa bawat limang kabataan na edad 13 hanggang 17-anyos ay nakakaranas ng sexual violence.

Isinulong naman nina Senators Risa Hontiveros at Imee Marcos na lagyan ng Romeo and Juliet clause ang panukala kung saan walang criminal liability kapag parehong menor de edad ang nagniig maliban na lang kung nagkaroon ng pamimilit o pamumwersa.

Idinagdag pa ni Marcos, ang impormasyon mula sa Philippine National Police (PNP) na ang rape ay isa sa mga nangungunang krimen sa bansa habang ikinaalarma naman ng World Bank ang teenage pregnancy na dumadagdag din sa ating problemang pang-ekonomiya.

Facebook Comments