Lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maging batas ang panukala na kumikilala mga “foundlings” o mga batang inabandona ng kanilang mga magulang bilang mga natural-born Filipinos.
Ayon kay AP Partylist nominee Ronnie Ong, nagkaroon ng linaw ang kasalukuyang estado ng mga “foundlings” na noong una’y itinuturing na “stateless” at walang access sa government services.
Aniya, pinaparusahan din sa panukala ang sinumang magpapahamak at mang-aabuso sa karapatan at kapakanan ng mga foundlings.
Dahil ini-adopt ng Kamara ang bersyon ng panukala ng Senado ay hindi na ito kakailanganin isailalim pa sa bicameral conference committee.
Ang panukalang batas ay nasa mesa na ng pangulo at naghihintay na lamang ng pirma nito para maging ganap na batas.
Sa ilalim ng panukala, ang mga “foundlings” na matatagpuan sa bansa at sa mga Philippine embassies, consulates at iba pang teritoryong sakop ng bansa sa abroad ay pagkakalooban ng karapatan at proteksyon mula pagkapanganak at entitled din ang mga ito sa lahat ng serbisyo at programa ng gobyerno.