Pagkawala ng halos 30 sabungero, iimbestigahan na rin ng NBI

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkawala ng 29 na sabungero.

Ayon kay Guevarra, binigyan niya ng 10 araw si NBI officer-in-charge Eric Distor para makapagsimute ng report hinggil dito.

Bukod dito, ipinag-utos din noya sa NBI na magsampa ng mga kaukulang reklamo laban sa lahat ng sangkot o nasa likod ng insidente kung may sapat na ebidensya.


Nauna nang inihayag ng Senado na magpapatawag sila ng imbestigasyon sa susunod na linggo sa pagkawala ng naturang mga sabungero.

Humingi na rin ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa gaming tycoon na si Atong Ang para makatulong sa paghahanap sa mga ito.

Facebook Comments