Panukala na layong doblehin ang social pension ng mga senior citizen, sisikaping maisabatas bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

Kumpiyansa si Senior Citizen Party-List Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na agad lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na layong doblehin ang social pension ng mga senior citizen.

Ayon kay Ordanes, pinanghahawakan niya ang pangako nina Senators Joel Villanueva at Risa Hontiveros na mamadaliin ang pagpasa sa panukala para agad na maisumite at mapirmahan ng pangulo bago matapos ang kanyang termino.

Layon ng House Bill 9459 na amyendahan ang Republic Act 7432 kung saan mula sa kasalukuyang ₱500 ay gagawin nang ₱1,000 kada buwan ang pensyong matatanggap ng mga senior citizen.


Bukod dito, pinagaan din ang qualificiations para sa mga nakatatanda na maaaring maging qualified sa benepisyo kaya inaasahan nila na marami na ang makikinabang dito.

Sinumang senior citizen na walang mapagkukunan ng income ay pwedeng makatanggap ng pension.

Matatandaang Agosto noong nakaraang taon nang maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang nasabing panukalang batas kung saan wala ‘ni isang mambabatas ang kumontra.

Facebook Comments