Panukala na magbabawal sa cross-ownership ng mga distribution utilities at generation companies, inihain sa Kamara

Itinutulak sa Kamara ng ilang mga kongresista ang tuluyang pagbabawal sa cross-ownership sa pagitan ng mga Distribution Utilities (DUs) at power Generation Companies (GenCos).

Sa inihaing House Bill 9260 nila Bayan Muna Partylist Reps. Carlos Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, layunin nitong matigil na ang anti-consumer, anti-competitive behavior at pang-aabuso ng mga monopolyang kompanya sa mga consumers.

Tinukoy sa panukala na isa sa palpak ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay ang pagpayag sa mga distribution utilities na magmay-ari ng mga GenCos dahilan kaya patuloy na naaabuso ang mga consumers sa mataas na singil ng kuryente.


Inihalimbawa ng mga kongresista ang Meralco na nagbabayad ng overpriced generation rate sa Quezon Power Philipines Ltd. (QPPL) na kung saan ang may-ari nito ay partner din ng Meralco sa ibang coal power plant.

Iginiit dito ni Zarate na napapanahong ipagbawal na ang mga “sweetheart deals” ng mga DUs sa mga GenCos lalo’t hindi pa tuluyang naibabasura ang EPIRA.

Facebook Comments