Panukala na magpapalakas sa local rice industry, pinaaaprubahan na sa Kamara

Hinikayat ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang agad na pag-apruba ng Kamara sa House Bill 8512 o ang Rice Industry Development Act (RIDA) na pinaniniwalaang magpapalakas sa local rice industry ng bansa.

Buwan pa ng Oktubre nang ihain ito ng kongresista at inaasahang mabibigyan ng pansin bago matapos ang 3rd regular session ng 17th Congress sa Hunyo.

Iginiit ng mambabatas na hindi dapat nadidiktahan ng mga dayuhang kasunduan ang bansa pagdating sa food security at pagiging self-sufficient ng Pilipinas.


Hinihiling sa panukala ang alokasyon na aabot sa P495 Billion kung saan kasama na dito ang pondo para sa tatlong taong implementasyon sa mga core programs ng panukala.

Kabilang sa mga isinusulong na programa ng panukala ang pautang sa mga magsasaka, irigasyon, post-harvest facilities, farm inputs support at research and development.

Ang nasabing pondo ay 43% lamang ng gross value ng rice production na hindi hamak na maliit na porsyento lamang para maging self-sufficient at self-reliant rice sector ang Pilipinas.

Facebook Comments