Northern Mindanao PNP, naka full alert status kaugnay sa mahal na araw

33

Naka full alert status ngayon ang mga polis ng Northern Mindanao kaugnay ng Mahal na Araw.

Ito’y matapos magbigay ng direktiba si Northern Mindanao Police Regional Director Brigadier General Timoteo Pacleb sa lahat ng mga Station Commander dito sa rehiyon na mag-deploy ng mga personahe sa mga terminal, airport, seaport, highway, mall, resort, simbahan at iba pang lugar na siyang binibista ng mga deboto nitong Mahal na Araw.


Sa kabila ng pinaigting siguridad para sa mga deboto, patuloy aniya ang ginagawang preemptive measures ng mga polis laban sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Hinikayat din ni Pacleb ang publiko na makiisa sa kanilang hanay at agad na magsumbong sa pinakamalapit na Police Assistance Desk sa mga strategic areas dito sa rehiyon.

Facebook Comments

From Advertisers