Panukala na magpapalakas sa proteksyon sa mga depositors, isasalang na sa plenaryo

Isasalang na sa plenary deliberation ang panukala na magpapaigting sa proteksyon ng mga depositors.

Ito’y matapos makalusot sa unang pagbasa ng Committee on Banks and Financial Intermediaries ang substitute bill na nag-aamyenda sa charter ng Philippine Deposit Insurance Company (PDIC).

Layon ng panukala na mas pasiglahin ang PDIC at mas makapagbigay pa ng proteksyon sa mga depositors sa gitna na rin ng mabilis na pagbabago sa antas ng pananalapi sa bansa.


Kasama rin sa mabibigyan ng proteksyon ang mga baguhan sa paggamit ng produkto at serbisyo sa pananalapi gayundin ang mga depositors sa Islamic banks.

Sa ilalim ng panukala ay idedeklara ang korporasyon sa ilalim ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang matiyak ang mas epektibong ipapatupad na mga polisiya at programa.

Tutugunan ng panukala ang paglago sa bilang ng mga nagbibigay ng mga bagong financial products at mas palalawakin pa ang Islamic banking sa bansa.

Facebook Comments