Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na lilikha ng network ng Meister Schools sa buong bansa.
Layunin ng Meister Schools Act na iniakda ni Albay Rep. Joey Salceda na itaas ang estado ng technical at vocational (tech-voc) education sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng specialized senior high schools na magtuturo ng highly technical skills na akma sa available na manufacturing at iba pang industriya.
Inaalis din sa panukala ang skills gap sa bansa pagdating sa technical-vocational, itaas ang pagtingin sa tech-voc at mabawasan ang unemployment sa youth sector.
Magtatayo rin ng mga highly-competitive tech-voc schools sa bansa na libre ang matrikula, may scholarship at katuwang ang mga top company para sa mas madali ang paghahanap ng trabaho.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng tech-voc sa bansa ay maaaring magtrabaho na agad ang mga tech-voc graduates at kumita ng mas malaki pa kumpara sa mga nakapagtapos ng bachelor’s degree.