Panukala na magpaparusa sa magpapakalat ng fake news, tinalakay na sa Kamara

Tinalakay na sa House Committee on Public Information ang mga panukala na nagpaparusa sa mga magpapakalat ng pekeng balita.

Kabilang sa mga napagusapan ang pagbibigay ng depinisyon sa “fake news”, magiging sakop nito at kung paano ito mai-a-apply sa iba’t-ibang media.

I-a-assess din kung saan mai-u-ugnay sa kasalukuyang batas at jurisprudence ang “fake news” at iba pang kaparehong isyu.


Tinitiyak naman ng panukala na magiging balanse ito sa pagsusulong ng kapakanan ng publiko at proteksyon sa kanilang karapatan.

Ginagarantiya din ng panukala ang freedom of expression at pagbalanse sa epekto ng fake news.

Kukuha din ng inputs at opinyon ang Kamara mula sa government agencies, Non-Governmental Organization o NGOs, academe at citizens’ group.

Posible ring ipatawag sa mga susunod na pagdinig ang mga opisyal ng Facebook, Twitter, Instagram, Google at Viber na siyang nagagamit na instrumento sa pagkakalat ng fake news.

Facebook Comments