Panukala na magtataas sa campaign expenses ng mga kandidato sa eleksyon, lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara

Pasado na sa ikatlong pagbasa ng Kamara ang panukala na magtataas sa election campaign expenses ng mga kandidato at partylist.

Sa botong 213 affirmative, 6 negative at 1 abstention, lumusot sa Kamara ang House Bill 6095 na nag-aamyenda sa Section 13 ng RA 7166 o synchronized national and local elections.

Sa ilalim nito ang aggregate na halaga ng maaaring gastusin sa campaign ads ng president, vice president  at senador ay P50 pesos mula sa dating P10.


Magiging P30 mula sa dating P3 ang campaign spending sa kada botante para sa iba pang kandidato.

Para naman sa political parties, mula sa P5 pesos ay magiging P50 na ang papayagang campaign spending limit para sa kanilang national candidates habang P30 para sa local candidates.

Facebook Comments