Tatlong drug suspek, arestado matapos makuhaan ng 8 plastic sachets ng shabu sa Quezon City

178

Huli ang apat na drug suspek matapos na makuhaan ng walong plastic sachet na may lamang shabu sa Brgy. Tagumpay, Project 4, Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong drug suspek na sina Amelia Cruz alyas mother, 46 anyos, Arjay Cruz, 32 anyos, at Jomar Casupanan, 34 anyos.


Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Project 4 Police sa 21st Avenue near corner P. Tuazon Blvd., Brgy. Tagumpay, Project 4, Quezon City dahilan nang pagkakahuli ng tatlong suspek.

Nakuha sa kanila ang walong plastic sachets ng shabu nagkakahalaga ng P105,000.

Nakuha rin sa mga ito ang dalawang piraso ng one thousand (1000) peso bill na ginamit na buy-bust marked money.

Sa ngayon nahaharap na ang mga suspek sa  kasong paglabag sa  R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Facebook Comments