Panukala na nagbibigay proteksyon at pagpapabuti ng serbisyo sa mga turista, lusot na sa komite ng Kamara

Inaprubahan sa House Committee on Tourism na pinamumunuan ni Laguna Rep. Sol Aragones, ang substitute bill na layong protektahan at pag-ibayuhin ang serbisyo sa mga turista ng bansa.

Ayon kay Aragones, inaamiyendahan ng panukala ang Republic Act 9593 o ang “Tourism Act of 2009.”

Layunin ng inaprubahang panukala na tugunan ang maling pag-unawa ng mga turista sa pagbisita sa bansa na nakakaapekto industriya at sa ekonomiya.


Kabilang sa mga misapprehensions o maling palagay sa bansa ng mga dayuhan at mga bisita ay ang kawalan ng reliable telecommunications facilities, na hindi ligtas na puntahan ang bansa at pineperahan lamang ng mga locals ang mga turista.

Sa oras na maging ganap na batas ito ay lilikha ng Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task Force na pamumunuan ng Tourism Secretary kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Justice (DOJ), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Philippine National Police (PNP).

Kasama rin sa panukala ang pagtatakda ng uniform standards sa lahat ng signage, travel and information materials, toll-free telephone assistance system na may multi-lingual operators at internet services.

Maglalatag rin ng mga hakbang para sa proteksyon ng mga turista laban sa harassment, iligal na droga, sapat na health facility sa mga tourism destinations at pagpapabuti sa Information and Communications Technology (ICT).

Facebook Comments