Senator Bato, malapit ng makalabas ng ospital dahil bumubuti na ang kondisyon matapos mahawa ng COVID-19

November 21 nang ihayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na siya ay positibo sa COVID-19 pati ang kanyang anak na babae, driver at kasama sa bahay.

Nangyari ito sa kasagsagan ng mula umaga hanggang hatinggabi o hanggang madaling araw pa na pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 national budget kung saan madalas ay physically present si Dela Rosa sa plenary sessions.

Dumanas ang senador ng lagnat, ubo at sipon kaya noong November 23 ay na-confine na siya sa ospital pati ang kanyang anak.


Ayon kay Senator Dela Rosa, bumubuti na ang kanyang kondisyon ngayon kaya malapit na siyang makalabas ng ospital gayundin ang kanyang anak.

Bukod kay Dela Rosa, ay naunang tinamaan virus pero gumaling na ay sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Koko Pimentel at Ramon “Bong” Revillar Jr.

Facebook Comments