Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapabilis sa proseso ng pagbubukas ng negosyo sa bansa o ang “Ease of Doing Business Act”.
Sa botohan sa plenaryo, 225 na kongresista ang pumabor sa House Bill 6579.
Layon ng panukala na mapabilis ang proseso ng pagpapalabas ng mga lisensya, clearances at permits para sa negosyo.
Itinatakda ang isang araw na processing time para sa permit o clearance mula sa barangay habang para sa local govt units at national agencies ay tatlong working days para sa simple applications at sampung working days para naman sa complex application.
Dagdag dito, 30 working days naman ang itinatakda para sa pagpapalabas ng mga permit, accreditation o lisensya na nangangailangan muna ng technical evaluation.
Magtatatag din ng Ease of Doing Business Commission para i-review at rebisahin ang mga executive issuances at lumang batas na nagpapabagal sa pagbubukas ng negosyo.