Cleveland Cavaliers, tinambakan ang Detroit Pistons, 116-88

Sports – Hindi kinailangan ng Cleveland Cavaliers na umiskor ng malaki LeBron James para tambakan ang Detroit, 116-88 sa mismong teritoryo ng Pistons.

Hindi man lang pinakaba ng Detroit ang Cleveland na lumanang ng 39 points, 101-62 sa pagtatapos ng third quarter para umangat sa 10-7 win loss slate.

Pinangunahan ni Kevin Love ang Cavs sa kaniyang 19 points at 11 rebounds habang may 18 points sina James at Jae Crowder.


Nanguna naman sa inalat na Pistons si Tobis Harris na may 11 points.

Facebook Comments