Panukala na nagpapalawig sa bisa o validity ng paggamit ng pondo sa Bayanihan 2 hanggang Dec. 31, 2021, inaprubahan na sa Committee on Appropriations

Aprubado na sa House Committee on Appropriations ang substitute bill na layong palawigin pa ang validity o bisa ng paggamit ng pondo ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act.

Subject to style ay pinagtibay ng komite ang substitute bill para sa House Bills 9196 ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte at H.B. 9356 na inihain nila Appropriations Chairman at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap at Davao Rep. Paolo Duterte.

Sa ilalim ng panukala ay pinapalawig pa ang effectivity ng mga probisyon at appropriations sa ilalim ng Republic Act 11494 o Bayanihan 2 Law.


Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act 11519 kung saan nakatakdang mapaso ang paggamit sa pondo ng Bayanihan 2 sa darating na June 30, 2021.

Dito ay pinapa-extend pa ang release, obligation at disbursement ng pondo ng Bayanihan 2 mula July 1 hanggang December 31, 2021.

Suportado naman ng mga ahensya ng gobyerno ang panukalang i-extend pa ang paggamit ng pondo ng Bayanihan 2 at nangakong magagamit ang budget sa katapusan ng taon.

Pinagsusumite naman ng komite ang mga ahensya ng pamahalaan ng detalye hinggil sa mga hindi pa nagagastos na pondo, sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments