Panukala na palawigin pa ng 2 taon ang Estate Tax Amnesty, lusot na sa komite ng Kamara

Pasado na sa House Committee on Ways and Means ang panukala na magpapalawig sa Estate Tax Amnesty.

Sa oras na maging ganap na batas ang House Bill 7068 ay madagdagan pa ng 2 taon ang paghahain ng estate tax.

Inaamyendahan ng panukala ang RA 11213 o ang Tax Amnesty Act.


Tatagal lamang kasi ang bisa ng batas ng dalawang taon matapos itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong February 2019.

Sa pagdinig ng komite sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mula 2019 hanggang June 2020 ay aabot lamang sa 23,911 ang nag-avail ng Estate Tax Amnesty at Tax Amnesty on Delinquencies.

Nasa P3.40 billion pa lamang ang nakokolekta ng BIR para sa estate tax delinquency, habang P4.75 billion naman ang nakolekta para sa pagbabayad ng estate tax sa nasabing panahon.

Malayo pa ito sa target na P21 billion para sa tax amnesty on delinquencies at P6 billion para sa mga maghahain ng estate tax.

Facebook Comments