Panukala na titiyak sa sapat na suplay ng gamot, bakuna at medical supplies sa bansa, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na titiyak sa access at sapat na suplay ng bansa sa gamot, bakuna, medical supplies, equipment tuwing panahon ng public health emergency.

Sa viva voce voting ay inaprubahan ang House Bill 9456 o Health Procurement and Stockpiling Act.

Ayon kay House Committee on Health Chairman Angelina “Helen” Tan, may-akda ng panukala, umarangkada ng husto ang panukala matapos na makaranas ang bansa ng kakulangan sa essential medical supplies at mga kinakailangang kagamitan na panlaban sa sakit na COVID-19 katulad ng face masks, alcohol, personal protective equipments (PPEs), mechanical ventilators at RT-PCR test kits.


Sa ilalim ng panukala ay lilikha ng Health Procurement and Stockpiling Bureau na pangangasiwaan ng Department of Health (DOH).

Magsisilbing itong pangunahing tanggapan na magsasagawa ng transparent, fair, proactive, at innovative procurement service para sa DOH.

Inaatasan din ang Bureau sa pag-iipon, pag-iingat at pagpapadali sa paglalabas ng sapat na bilang ng pharmaceuticals, vaccines, devices, at materials na makakapagligtas ng buhay tuwing may health crisis.

Lilikha rin ng medical stockpiling fund upang mapanatili at matiyak ang matatag na suplay ng critical drugs, vaccines at medical devices na siyang susuporta sa National Drug and Device Security Program ng DOH.

Facebook Comments