Panukala para amyendahan ang ASIN Law, inihain sa Senado

Inihain sa Senado ang isang panukala na magpapatigil sa pag-oobliga ng iodization sa asin.

Matatandaan sa nagdaang pagdinig ng Senado, isa ang salt iodization sa nakitang problema sa pagtigil sa operasyon ng ilang mga mag-aasin sa bansa dahil hindi kayang tugunan ang teknolohiya at mga kagamitan na kailangan para rito.

Sa Senate Bill 1718 na inihain ni Senator Imee Marcos, pinaa-amyendahan nito ang Republic Act 8172 o An Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN) Law.


Tinukoy ng senadora na dahil sa batas na ito, 93 percent na ng asin sa bansa ang ini-import malayo sa dati na wala pa ang batas kung saan 85% ng asin na kailangan ng bansa ay nasusuplayan mula sa Bulacan, Cavite, Pangasinan at Mindoro.

Dahil din sa batas ay hindi magamit ng Department of Agriculture (DA) ang P100 million pondo para sa pagpapalakas ng local salt production dahil kailangan munang alisin ang iodization requirement.

Facebook Comments