Panukala para sa dagdag na benepisyo sa mga solo parent, hiniling na lagdaan na ng pangulo

Kinalampag ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan na ang panukala para sa dagdag na benepisyo sa mga solo parent.

Noong Enero pa ng taong kasalukuyan niratipikahan ng kongreso ang bicameral conference committee report para sa panukalang nagaamyenda sa “Solo Parents Act”.

Giit ni Assistant Minority Leader Arlene Brosas, hindi dapat maisantabi ang matagal nang panawagan para sa dagdag na benepisyo para sa mga solo parent.


Hindi aniya katwiran ang pagtitipid at pagbabayad utang ng gobyerno para hindi maipagkaloob ang mga dagdag na benepisyo.

Pero bukas, June 4, ay ika-30 araw na mula nang matanggap ito ng pangulo kaya naman hiling ng kongresista na hayaan na lamang itong mag “lapse into law” o maging ganap na batas.

Sa inaprubahang bicam version ay mabibigyan ng mga sumusunod na dagdag benepisyo ang mga solo parent:

– ₱1,000 buwanang subsidiya
-10% diskwento at libre sa VAT sa mga essential needs ng anak tulad ng gamot at school supplies
– at pitong araw na parental leave sa mga solo parent na nakaka-anim na buwan sa kanilang trabaho mula sa dating isang taon.

Facebook Comments