Inihain ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang mga panukala na tutugon sa development at modernisasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Dalawang panukala ang inihain ng senador para maipantay sa international standards ang CAAP, ang Senate Bill 1646 at Senate Bill 1654.
Sa Senate Bill 1646, ipinatataas ang standards, systems at procedures ng CAAP habang ang Senate Bill 1654 na magpapalakas sa civil aviation agency sa kakulangan sa pamamalakad.
Una nang iginiit ni Revilla na hindi katanggap tanggap ang nangyaring operational shutdown sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang mga paliparan sa bansa noong January 1 na nakaperwisyo sa libu-libong mga pasahero.
Facebook Comments